Add parallel Print Page Options

Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita;
    tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod;
dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog,
    hindi ka matutupok.
Sapagkat ako si Yahweh na iyong Diyos,
    ang Banal na Diyos ng Israel na iyong Tagapagligtas.
Ibibigay ko ang Egipto,
    Etiopia[a] at Sheba bilang pantubos sa iyo upang ikaw ay makalaya.
Ibibigay ko ang mga bansa para lang maligtas ka,
    sapagkat mahalaga ka sa akin;
    mahal kita, kaya't pararangalan kita.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 43:3 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.